22 June, 2012

Di pa Huli ang Lahat

di pa huliIkaw man ang kanyang piliin,
Hindi ako masasaktan.
Ikaw man ay nanalo ngayon.
Pero di pa ito ang katapusan.

Ikaw man ang napili ngayon,
Nanalo ka nga sa labanan.
Pero di pa ito tapos,
Di ka pa nanalo sa digmaan.

Dahil ang talagang nanalo,
Sa giyerang ito.
Ay kung sino ang kanyang makakasama,
Hanggang sa pagunaw nang mundo.

-A.R.L

1 comment:

Note: Only a member of this blog may post a comment.